ANG AKAWNTING NG ENERHIYA AY ANGKOP SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG MGA GUSALI. AYON SA ENERGY ACT, MAAARING MAGPATUPAD ANG PAMAHALAAN NG TAUNANG MGA EFFICIENCY TARGET NG ENERHIYA O ANNUAL ENERGY EFFICIENCY TARGETS PARA SA MGA GUSALI NA MAY KABUUANG GINAGAMIT NA FLOOR AREA NA HIGIT SA 500 M2 NA GINAGAMIT NG MGA AWTORIDAD NG PAMAHALAAN, LOKAL NA KOMUNIDAD, AHENSIYA NG PAMAHALAAN, PAMPUBLIKONG PONDO, PAMPUBLIKONG INSTITUSYON, PAMPUBLIKONG KOMERSYAL NA INSTITUSYON, AT IBA PANG PAMPUBLIKONG ORGANISASYON O YUNIT NA DI-DIREKTANG GUMAGAMIT NG PAMBANSANG PONDO O PONDO NG LOKAL NA KOMUNIDAD. PARA SA MGA NASABING GUSALI, KINAKAILANGANG ANG MGA TAGAPAMAHALA O MANAGERS ANG MAGSAGAWA NG AKAWNTING NG ENERHIYA, KABILANG NA RITO ANG IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA URI, PRESYO, AT DAMI NG KINUKONSUMONG ENERHIYA.
ANG AKAWNTING NG ENERHIYA ANG ISA SA PINAKAMAHALAGANG BAHAGI NG PAMAMAHALA NG ENERHIYA. ISANG BATAYANG PANUNTUNAN SA AKAWNTING NG ENERHIYA ANG PAGKALAP NG DATOS O DATA ACQUISITION UKOL SA IBA-IBANG URI, PRESYO, AT DAMI NG NAGAMIT NA ENERHIYA. ANG PAGKALAP NG DATOS AY MAAARING MANUAL O AWTOMATIK.
IPATUTUPAD NG ASSOCIATION ZOJA ANG PROYEKTONG "OPEN-SOURCE ENERGY ACCOUNTING FOR SMES.” PINONDOHAN DIN ANG PROYEKTONG ITO NG MINISTRY OF ENVIRONMENT AND SPATIAL PLANNING NG REPUBLIKA NG SLOVENIA.